LGUs hinimok ng DENR na ipatupad ang batas laban sa pagkakalat ngayong undas

By Justinne Punsalang October 29, 2018 - 02:05 AM

Sinabihan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga loca government units (LGUs) na ipatupad ang batas tungkol sa solid waste management sa mga sementeryo sa paggunit sa undas.

Ayon kay Cimatu, dapat ay pag-ibayuhin ng mga LGUs ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 dahil tiyak na namang dadami ang mga basura sa mga sementeryo.

Aniya, kung kinakailangan ay dapat patawan ng multa o bigyan ng community service hours ang mga makikitang nagkakalat.

Batay sa datos, kada araw ay nasa 30,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa buong bansa bawat araw, at 8,000 mula sa naturang bilang ay mula sa Metro Manila. Inaasahang lolobo pa ang bilang na ito kapag mayroong okasyon gaya ng undas.

Noong nakaraang taon, nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 5,000 toneladang basura mula sa anim na malalaking sementeryo sa Metro Manila.

Kaugnay nito ay hinimok din ni Cimatu ang publiko na bawasan ang kanilang mga basura at panatilihing waste-free ang mga sementeryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.