PNP naghahanda sa pagtaas ng krimen sa Boracay

By Justinne Punsalang October 29, 2018 - 02:44 AM

Kasunod ng public opening ng isla ng Boracay sa mga turista ay naghahanda na rin ang pambansang pulisya sa inaasahang pagtaas ng kriminalidad dito.

Ayon ay Western Visayas Police Regional Office (PRO-6) regional director, Chief Superintendent John Bulalacao, dahil sa pagdami ng tao sa Boracay ay malaki rin ang posibilidad na tataas ang krimen sa lugar.

Noong isinara sa loob ng anim na buwan ang isla para sa rehabilitasyon ay malaking porsyento ang ibinaba sa krimen.

Katunayan, mula April 26 hanggang May 25, 11 krimen ang naitala ng Metro Boracay Task Force. Ito ay 88.84% na mas mababa sa datos noong 2017.

Tuluyan pa itong bumaba noong panahon ng Mayo hanggang Hunyo, kung saang apat lamang ang krimen na naitala, at tatlo naman mula Hunyo hanggang Hulyo.

Kabilang sa mga krimen na naitala ng pulisya ang physical injuries, qualified theft, at reckless imprudence.

Samantala, pinalalakas na rin ng pulisya ang kanilang intelligence gathering at koordinasyon sa regional police upang mapigilan ang anumang banta sa terorismo sa isla.

Sa ngayon, 400 mga pulis ang ipinakalat sa Boracay, bukod pa sa 200 augmentation forces ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at mga volunteer groups.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.