Sustainable swimsuit dinisenyo ni Solenn Heussaff
Bilang pagpapakita ng kanyang pangangalaga sa kalikasan ay nakipag-partner si Solenn Heussaff sa Body Party na isang kumpanyang gumagawa ng mga sustainable swimwear.
Sa kanyang personal Instagram account ay ibinahagi ni Solenn ang one-piece swimsuit na kanyang dinisenyo.
Aniya, gawa ito sa 100% recycled fishnet o lambat at plastic bottles.
Bukod sa gawa ang naturang swimsuit sa mga recycled materials ay ilalaan ang 20% ng pinagbentahan nito sa Save Palawan Seas Foundation.
Ayon sa Kapuso actress, ito ang kanyang maliit na ambag para sa kanyang advocacy na mapangalagaan ang kalikasan.
Aniya pa, ashan na ang iba pang mga disenyo na ilalabas ng Body Party para sa mga swimsuit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.