La Salle tinalo ang FEU sa UAAP men’s basketball
Nagwagi ang De La Salle University Green Archers kontra Far Eastern University Tamaraws sa kanilang naging tapatan kagabi para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.
Natapos ang laro sa iskor na 65-57 pabor sa Archers.
Dahil dito ay nananatili ang La Salle sa ikatlong pwesto, habang nasipa papuntang 5th place ang Tamaraws.
6-4 ngayon ang hawak na win-loss record ng La Salle, at 5-6 naman sa FEU.
Bagaman mababa ang shooting percentage ni Kib Montalbo ng Archers ay siya naman ang nagpanatili sa team work ng koponan.
Ayon sa injured team captain at guard ng Archers, ginabayan niya ang kanyang mga teammates upang maipanalo ang laro.
Ayon naman sa kanilang head coach na si Louie Gonzales, importante ang kanilang pagkapanalo dahil makatutulong ito upang makapasok sila sa Final Four.
Pinangunahan ni Justine Baltazar ang La Salle matapos nitong makapagtala ng 15 puntos at 6 na rebounds. Sinundan naman siya ni Santi Santillan na nakapagbigay ng 12 puntos.
Samantala, para sa Tamaraws, ang nagbabalik mula suspensyon na si Arvin Tolentino ang nanguna sa kanyang 20 points at 4 rebounds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.