Daga, ginamit ng mga preso sa Brazil para maghatid ng droga sa mga selda
Arestado ang ilang bilanggo sa kulungan sa Brazil matapos matuklasang sinasanay nila ang isang daga para maghatid ng iligal na droga at iba pang kontrabando sa mga selda sa kulungan.
Sa ulat ng Agence France-Presse, nadiskubre umano ng mga otoridad ang ginagawa ng mga preso nang makitang gumagala ang isang daga na mayroong tali sa kaniyang buntot.
Ayon kay Gen Carols Gomes, Director ng bilangguan sa Tocantins, napansin ng mga bantay na nagpapabalik-balik ang daga sa cellblock A at cellblock C.
Tinalian umano ng wire ang buntot ng daga at ginagamit ito para magdala ng illegal drugs at iba pang gamit gaya ng mobile telephone chip sa mga selda.
Dahil naghinala ang mga jail guards sa kilos ng daga, nagsagawa sila ng inspeksyon sa mga selda at doon nadiskubre ang mga cocaine at marijuana.
Susuriin pa ang kuha sa security camera para maobserbahang mabuti ang naging kilos ng daga at matukoy kung sinong preso ang may kagagawan ng ginagawang paghahatid ng droga ng daga.
Ang nasabing daga ay inilabas na ng bilangguan at pinakawalan sa kagubatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.