Regine Velasquez, hindi na nakapagtimpi; basher binuweltahan
Napuno na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mga natatanggap na pambabash dahil sa kanyang paglipat sa ABS-CBN.
Matatandaang noong October 17, opisyal nang naging isang Kapamilya si Velasquez na dalawang dekadang namayagpag sa Kapuso Network.
Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng singer ang mensahe ng isang netizen na may username na @cheskaazurin.
Sa naturang post ay tinawag ng netizen na ‘balyena’ si Velasquez, at kinutya ang boses ng singer at ang pagkakaroon nito ng sakit na acid reflux.
Sa kanyang caption ay pinag-iingat ni Velasquez ang basher sa kanyang mga sinasabi.
Sa isang hiwalay na post sa Twitter, ipinahayag ng singer ang kalungkutan at sinabing ang mga salita ay makapangyarihan.
Anya, hindi porket hindi siya nagsasalita ay ayos lamang na siya ay bastusin.
Again WORDS ARE VERY POWERFUL. hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo and iniwan ko!!!!!!😡😡😡
— regine alcasid (@reginevalcasid) October 27, 2018
Can someone enlighten me about cyber crime please. I think it’s about time we put these kind of people to jail. You think it’s only words that you don’t really hurt us well you’re wrong. #NoToCyberBullying
— regine alcasid (@reginevalcasid) October 27, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.