Handa na ang expressways para sa dagsa ng mga motorista para sa Undas.
Ayon sa pahayag ng SMC Tollways, magdadagdag sila ng ambulant tellers, traffic at security personnel sa southbound portions ng Skyway, NAIAX, SLEX at Star Tollway.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
• Skyway C5 hanggang Alabang Sucat interchange hanggang Dr. Santos Avenue
• NAIAX Main Toll Plaza A and B
• SLEX Sta. Rosa hanggang Calamba Toll Plaza A and B, at Ayala Toll Plaza
• STAR Tollway Sto. Tomas Entry, Lipa Exit
• Balagtas to roundabout
Magdadagdag din ng personnel sa mga tollroads na ito sa nakatakdang pagbalik ng mga motorista sa Maynila sa November 3 hanggang 5.
• STAR Tollway Sto. Tomas Exit
• SLEX Ayala Toll Plaza, Calamba Entry at Filinvest-Alabang Exit
• Skyway Main On-ramp, Toll Plaza A and B
Maglalagay din ng mga istasyon na magbibigay tulong at travel information sa mga motorista sa mga sumusunod na tollroads:
• Skyway: C5 Area Southbound, Merville Area Southbound, at Sucat Area Southbound
• SLEX: Petron San Pedro SB, at Petron KM44 Northbound
• STAR Tollway: Petron Malvar, Petron Lipa Northbound, Lapu-Lapu Lay-by Northbound, and Petron San Jose Northbound
• TPLEX: Petron KM134 Northbound and Southbound
Pinaghahanda ng SMC Tollways ang mga motorista na maghanda ng eksaktong toll fee para hindi makadagdag sa pila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.