LizQuen bibida sa isang pelikula ni Dan Villegas
Bibida sa isang pelikula ng blockbuster director na si Dan Villegas sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ang bagong proyekto ng sikat na loveteam ay inanunsyo sa Instagram ng production company ni Villegas na Black Sheep.
Ayon sa post, ang pelikula ay gagawin sa direksyon ng isa pang blockbuster director na si Tonet Jadaone.
Matatandaang si Jadaone ang direktor ng hit film na ‘That Thing Called Tadhana’ habang si Villegas naman ang direktor ng ‘Exes Baggage’.
Ilan sa mga larawang ipinost sa IG ay ang meeting na naganap tungkol sa film project na inaasahang ipalalabas sa 2019.
Ang huling pelikulang pinagbidahan ng LizQuen ay ang ‘My Ex and Whys’ ni Direk Cathy Garcia Molina na kumita ng P400 milyon sa ticket sales worldwide.
Ang naturang pelikula ang highest grossing film ng love team hanggang sa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.