AFP, siniguro ang press freedom at proteksiyon kahit may Martial Law sa Mindanao
Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pananatilihin nito ang kalayaan sa pamamahayag kahit na patuloy na umiiral ang martial law sa Mindanao.
Magbibigay din ng proteksiyon ang militar sa mga mamamahayag na magko-cover ng mga kritikal na lugar.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., patuloy ang AFP sa pagkakaroon ng epektibong coverage at kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng media hindi lang sa mga lugar na may gulo kundi maging sa mga lugar na may banta.
Pero iginiit ni Galvez na mananatiling may limitasyon ang media coverage lalo na kung ang partikular na impormasyon ay maitututing na confidential.
Kanya rin himok ang media na maging objective para malaman kung ano ang propaganda lang mula sa mga kalaban ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.