2 Italian nationals, biktima ng nakawan sa reopening ng Boracay

By Den Macaranas October 27, 2018 - 03:02 PM

Nabiktima ng mga magnanakaw ang dalawang Italian national na nakibahagi sa reopening ng Boracay kapahapon araw ng Biyernes.

Sa reklamong inihain ni Fabio Sidri, 44 taong gulang sa Malay Police Station na siyang nakakasakop sa isla ng Boracay, kasama umano niya ang kanyang kasintahan na isa ring Italian national nang maganap ang krimen.

Kasalukuyan umano silang nasa labas ng kanilang hotel nang sila ay mabiktima ng mga magnanakaw na sumalisi sa gitna ng selebrasyon sa isla.

Kabilang sa mga ninakaw ay ang mga wallet ng biktima na naglalaman ng P15,000 cash, mga credit cards at $60.

Base sa kuha ng CCTV, tatlong lalaki at isang babae ang suspek sa naganap na nakawan.

Base sa paunang imbestigasyon ng Malay PNP, natangay ng mga suspek ang itim nitong pitaka na naglalaman ng iba’t ibang cards, mahigit sa $60 at P15,000 cash.

Nakuhaan umano ng CCTV footage ang naturang krimen kung saan napag-alamang kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae ang mga suspek.

Kaagad na nagpakalat ng dagdag na tao ang Malay Police Station sa paligid ng hotel na tinutuluyan ng mga biktima sa pag-asang mahuhuli kaagad ang mga magnanakaw.

Nauna nang sinabi ng mga otoridad na sila ay naka-full alert kaugnay sa pagbubukas ng Boracay para sa mga turista.

TAGS: boracay, boracay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.