Pokwang wagi bilang best actress sa 6th QCinema Int’l Film Fest

By Josh Mercado-Wow It's Showbiz October 27, 2018 - 09:46 AM

Contributed photo

Hindi nakadalo ang komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang “Pokwang” sa katatapos na 6th QCinema Awards Night, Oct. 26.

Itinanghal syang best actress para sa pelikulang “Oda sa Wala.”

Tinanggap ng direktor na si Dwein Baltazar ang trophy at binasa ang mensaheng ipinadala ng best actress.

Nasa ibang bansa ang Kapamilya star.

Hindi raw nag-e-expect ang bida sa pelikula na masungkit ang best actress trophy.

Para kay Pokwang, patuloy syang aarte mapa-mainstream man o indie.

Naging emosyunal naman ang direktor ng pelikulang pinagbibidahan ni Pokwang sa pagtanggap ng awards na Best Director at Best Film.

Kwento nya, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bilang filmmaker dahil kasabay ng pag-abot ng kanyang pangarap na makalikha ng pelikula ay isa rin syang ina na sumusuporta sa kanyang anak.

Mahirap aniya gumawa ng pelikula kapag walang suportang pinansyal.

Noong 10 years old palang daw sya ay pinangarap na nyang maging isang direktor.

Nawala lahat ng pagod ng direktor na si Dwein dahil sa paghakot ng awards ng kanyang pelikula.

Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

Best Director: Dwein Baltazar (Oda sa Wala)

Best Actor: Eddie Garcia (Hintayan ng Langit)

Best Actress: Marietta Subong or Pokwang (Oda sa Wala) Best Supporting Actress: CieloAquino (Billie and Emma) Best Supporting Actor: Marcus Adoro (Dog Days)

Best Artistic Achievement Award: Neil Daza (Oda sa Wala)

Best Screenplay: Dwein Baltazar(Oda sa Wala) Rainbow QC Jury Awardee: Hard Paint Rainbow

QC Best Film: Sorry Angel Asian

Next Wave Jury Prize: The Seen and Unseen Asian Next Wave Best Picture: A Land Imagined Audience Choice Award:

Hintayan ng Langit Gender Sensitivity Awardee: Billie and Emma Circle Competition

Netpac Jury Prize: Dog Days Circle Competition

Best Picture: Oda sa Wala.

TAGS: best film, pokwang, quezon city film festival, best film, pokwang, quezon city film festival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.