1 patay, 24 sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Zamboanga del sur
Patay ang isang senior citizen habang 24 na iba pa ang sugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Barangay Balintawak, Aurora, Zamboanga del Sur, Sabado ng hapon.
Nakilala ang matanda na si Rogelio Alagenio habang sugatan ang drayber at konduktor ng bus at ang 22 pasahero nito.
Tungong Pagadian City ang bus nang malaglag sa bangin at dumausdos patungo sa isang flower farm.
Ayon kay Nita Bajao, residente ng lugar nakita niya kung paano nalaglag ang bus sa bangin at nagpagulong-gulong sa flower field.
Nasira anya ang mga bulaklak na nakatakda na sanang pitasin para sa paparating na Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.