Phoenix Petroleum, buena manong magpapatupad ng oil price rollback

By Rhommel Balasbas October 27, 2018 - 03:22 AM

Nag-anunsyo na ng kanilang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum.

Sa advisory ng naturang kumpanya, P1.65 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng gasolina habang P.60 naman sa kada litro ng Diesel.

Epektibo na ito ngayong alas-6:00 ng umaga.

Samantala, nag-anunso na rin ang Petro Gazz ng kanilang price rollback.

Ang rollback ng kumpanya ay kapareho ng sa Phoenix Petroleum ngunit epektibo pagpatak ng hating-gabi ng Lunes, October 29.

Ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyo sa world market.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong may rollback ang mga kumpanya ng langis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.