Bus terminals sa Metro Manila sinimulan nang inspeksyunin para sa Undas

By Len Montaño October 27, 2018 - 12:08 AM

Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang inspeksyon sa mga bus terminal sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.

Unang ininspeksyon ang Araneta Center Bus Terminal sa Cubao na dinadagsa ng mga pasaherong umuuwi sa kanilang mga probinsya.

Isang bus na papuntang Samar ang nasita dahil sa sirang ilaw at pudpod na mga gulong.

Hindi naman pinabiyahe ang isang bus papuntang Sorsogon at Samar dahil sa basag na windshield at improvised na plaka.

Sinuri ng mga tauhan ng LTO ang mga ilaw, preno at gulong ng mga bus para iwas disgrasya.

Ininspeksyon din kung may seat belt ang upuan ng driver at sa unahang bahagi ng bus.

Tiningnan ng LTO ang rehistro at prangkisa ng bus at inalam kung may karelyebo ang driver na bibiyahe ng 12 oras.

Pinayuhan ng LTO ang publiko na asahan na ang araw araw na random inspection sa mga bus terminal sa Manila, Pasay at Quezon City.

Normal pa ang biyahe ng mga bus sa naturang terminal pero inasahan na ang pagdami ng mga pasahero sa susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.