21 Pinoy seafarers na stranded sa India makakauwi na ng bansa
Makakauwi na ng bansa ang dalawampu’t isang Filipino seafarers na stranded sa India.
Ayon kay Philippine Ambassador to India, Ma. Teresita Daza, nakatakda nang umalis ng India ang pitong seafarers pabalik ng Pilipinas sa sandaling maibigay na sa kanilang ang exit clearances nila.
Ang mga seafarers ay crew members ng M/V Evangelia at stranded sa southern port city na Kakanada mula noong Hunyo.
Ito ay makaraang abandonahin sila ng may-ari ng barko.
Patuloy ang koordinasyon ng embahada sa Indian port authorities, sa local agent ng mga seafarers sa India at sa manning agency nila dito sa Pilipinas.
Binisita na rin sila ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas New Dehi at konsulada sa Chennai at pinagkalooban ng tulong pinansyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.