14 na bata sugatan sa knife attack sa China

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2018 - 04:20 PM

Sugatan ang 14 na mga bata sa insidente ng pananaksak sa isang eskwelahan sa Congquing City sa China.

Isang 39 anyos na babae ang nanaksak sa mga bata gamit ang kitchen knife habang ang mga ito pabalik sa kanilang silid-aralan pagkatapos ng morning exercise.

Ayon sa mga otoridad, agad naitakbo sa pagamutan ang mga bata habang ang suspek ay nadakip naman ng mga rumespondeng pulis.

Ito na ang ikalawang insidente ng knife attach sa China ngayong taon.

Noong April 2018 lamang, isang 28 anyos na lalaki naman ang nakapatay sa siyam na middle school students nang pagsasakin ang mga ito habang pauwi sa kanilang bahay.

TAGS: China, knife attack, Students, China, knife attack, Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.