9 na miyembro ng BIFF sumuko sa Maguindanao
Sumuko sa mga sundalo ang siyam na miyembro ng Islamic State-linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd IB, sumuko ang siyam na rebelde sa kanilang headquarters sa bayan ng Gen. Salipada K Pendatun.
Ang mga sumuko ay pinamumunuan ni Datu Parido Balabagan alyas Commander Banog.
Ani Cabunoc, si Commander Banog nakipag-usap sa kaniya para sa proseso ng pagsuko.
Malaki aniya ang ginampanan ng pamilya ni Commander Banog para mahikayat siyang magbalik-loob sa gobyerno.
Kasama ring isinuko ang siyam na matataas na kalibre ng baril, kabilang ang dalawang cabiber 50 sniper rifles, tatlong rocket-propelled grenade launchers, isang caliber 5.56mm M653 assault rifle, isang caliber 7.62mm M14 rifle, at dalawang 40mm M79 grenade launchers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.