Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Sa talumpati ng pangulo sa 117th anniversary ng Philippine Coast Guard sa Port Area sa Maynila ay kanyang sinabi ililipat niya si Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) kapalit ni dating Director General Guilling Mamodiong na kakandidatong governor ng Lanao Del Sur.
Ginawa ng pangulo ang pagtanggal kay Lapeña sa gitna ng kontrobersiya kaugnay sa P6.8 Billion shabu shipment na nakalusot sa BOC.
Sa pulong balitaan sa Malacañang kanina, sinabi ni Lapeña na may pagpupulong sila ni Excutive Secretary Salvador Medialdea.
Papalit kay Lapeña si Maritime Industry Authority (Marina) Administator Rey Leonardo Guerrero.
Ayon sa pangulo, maghahanap na lamang siya ng magreretirong opisyal ng Philippine Navy na maaring pumalit sa puwesto ni Guerrero.
Sa kanyang mga naunang pahayag ay sinabi ni Lapeña na bababa lamang siya sa pwesto kapag ang pangulo ang nag-utos sa kanya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.