Ramon Tulfo bagong special envoy ni Duterte sa China
Itinagalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang broadcaster at Inquirer columnist na si Ramon Tulfo bilang special envoy for public diplomacy sa People’s Republic of China.
Nilagdaan ng pangulo ang appoinment paper ni Tulfo noong October 23 para sa anim na buwang termino.
Nauna dito ay sinabi ni Tulfo na inalok siya ng pangulo na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan dahil sa magandang posisyon niya sa mga survey.
Pero tinanggihan ito ni Tulfo at sinabi ng mas gusto niyang maglingkod bilang special envoy sa China.
Pangunahin sa mga tututukan ni Tulfo sa kanyang bagong assignment sa pamahalaan ay ang paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
Gusto niyang tutukan ang paghahatid sa mga lalawigan ng makabagong paraan ng agrikultura sa tulong ng China.
Minsan na ring sinabi ni Tulfo na Piso kada taon lamang ang tatanggapin niyang benepisyo sa nasabing posisyon sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.