Ilang kalsada sa Boracay under construction pa rin dalawang araw bago reopening ng isla
Ilang kalsada sa isla ng Boracay ang under construction pa rin, dalawang araw bago ang reopening ng isla sa publiko o sa October 26, 2018.
Sa Boracay highway, may parte na sementado na habang mayroon pa ring nananatiling lupa.
Bagama’t passable sa motorista, magiging pahirapan kung magkakasabay-sabay ang mga sasakyang dadaan sa nasabing kalsada.
Tuloy-tuloy naman ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Boracay sa trabaho upang matapos na ang road reconstruction and rehabilitation.
Ang mga tauhan naman ng Boracay Water, wala ring tigil sa pagsasaayos ng drainage at sewerage system.
Subalit kapansin-pansin na nakahambala pa rin ang malalaking tubo, at kahit ang gilid ng mga kalsada, tambak din ng mga tipak ng bakal at bato.
Samantala, malalaking “Boracay” letters sa Cagban Jetty Port ang maaga bumati sa mga bisita.
At ang mga ferry, nakalinya na na animo’y handang-handa na sa pagbuhos ng mga dadalaw sa isla.
Muling magbubukas ang Boracay, sa mga lokal at dayuhang turista, sa Biyernes.
Muling masisilayan ang ganda ng nating isla, na sikat na sikat sa buong mundo.
Pero nauna nang sinabi ng pamahalaan, na bitin ang anim na buwan para matapos ang lahat ng mga dapat isagawa sa Boracay, kabilang na rito ang mga konstruksyon.
WATCH:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.