Masaker sa Sagay bahagi ng Red October Plot ng NPA — AFP
Bahagi umano ng plano ng New People’s Army (NPA) na pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Carlito Galvez Jr., nirecruit ang mga magsasaka at niloko ang mga ito ng National Federation of Sugaw Workers (NFSW) na umanoy front ng mga rebeldeng komunista.
Binayaran aniya ang mga Hacienda Nene workers ng P500 para sa isang ektarya ng lupa, dalawang araw bago sila pinatay.
Dagdag ni Galvez, batay sa pahayag ng mga residente, ang mga biktima ay hindi mga manggagawa o claimants ng lupa at kinuha sila ng NFSW noong umaga lamang kung kailan nangyari ang pagpatay.
Ang insidente aniya ay bahagi ng tinatawag na Red October Plot ng NPA para matanggal sa pwesto ang pangulo.
Una nang sinabi ng militar na hindi natuloy ang plano pero hindi nawala ang destabilization plan ng rebeldeng komunista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.