Mga magsasaka na mang-aagaw ng lupain binalaan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu October 25, 2018 - 02:45 AM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magsasaka sa bansa na may kaugnayan sa rebeldeng New People’s Army na iwasan na ang pang-aagaw sa mga nakatiwangwang na sakahan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kagabi ilang araw matapos mapatay ang siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon sa pangulo, hindi siya mag-aatubili na na gamitin ang lahat ng tamang pamamaraan para lamang palayasin ang mga mang-aagaw na magsasaka.

Ilang beses na aniyang mayroong naiulat na ilang sakahan na ang inaagaw ng mga magsasaka na may kaugnayan sa rebeldeng grupo.

Giit ng pangulo, kapag naulit pa ang insdidnte ng pang aagaw, kanya nang aatasan ang Philippine National Police na gawin ang mga nararapat na hakbang.

“Inaagaw nila ‘yung… may mga tenants na original, pagkatapos ng harvest they go in and seize control using violence and intimidation, backed up by NPA,” ayon sa pangulo.

“This has happened several times, please do not do it again. Kasi (Because) the next time if I hear a single incident, I will have you evicted. I’m addressing now the nation, and the communists, and the left. Pipilitin ko kayo Please do not resist violently. I’m ready to do anything to establish order,” dagdag pa ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.