Duterte sa mga kritiko sa kanyang paghalik sa isang OFW: “Ganun ang mga malisyosa kasi pangit”

By Rhommel Balasbas October 25, 2018 - 01:34 AM

‘Mga malisyosa kasi pangit at walang lumiligaw.’

Ito ang birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bumatikos sa kanyang paghalik sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea noong Hunyo.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Philippine Quality Award Conferment Ceremony, iginiit ng pangulo na hindi niya binastos ang hinalikang OFW.

Ani Duterte, ang kanyang mga kritiko ay mga pangit na babae at walang mga manliligaw.

“Ganun ang mga malisyosa kasi pangit. Walang lumiligaw. Bad breath pa ang y—… Ay ‘sus. If you can say one thing bad against me, I can throw [it back at] you a million times,” ani Duterte.

Dagdag ng presidente, normal para sa kanya ang paghalik sa mga babae sa labi.

Mayroon anya siyang kampanya noon sa Davao na lahat ng babae ay kanyang hinahalikan at walang malisya rito.

“There was a campaign in Davao na lahat ng babae hinahalikan ko. So why are you attaching malice to that? You mean to say that if I kiss a woman on the lips, you always think of phallic terms?” giit ng pangulo.

Kamakailan lamang, sa isang panayam ni Vice Ganda, nag-iba ng tono si dating Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing ‘inappropriate’ ang ginawa ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.