2 carnapper-holdupper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 25, 2018 - 04:05 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo at holdupper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Payatas, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang dalawa.

Ayon sa mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, una silang nakatanggap ng report tungkol sa insidente ng pagnanakaw ng motor sa Barangay Payatas.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis upang beripikahin ang impormasyon at magasagawa ng followup operation.

Makalipas ang halos isang oras ay nakatanggap naman sila ng report tungkol sa isang insidente ng holdup sa Barangay Bagong Silangan.

Pagdating sa lugar ay agad na nagpaputok ang mga lalaking sakay ng motorsiklo.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng dalawa, habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Nang siyasatin ang sinasakyang motorsiklo ng isa sa mga nasawi, nabatid na ito ang naunang naireport na ninakaw sa Payatas.

Ayon sa mga otoridad, ito ang bagong modus ng mga kawatan, ang magnakaw muna ng motor bago magsagawa ng panghoholdup.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.