Ipagpapaliban na muna ng Office of the Solicitor General ang pag-apela sa Court of Appeals para ipabaliktad ang naunang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 na hindi naglabas ng arrest order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa kasong kudeta.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkausap na sina Solicitor General Jose Calida at Justice Sec. Menardo Guevarra at nagkasundo ang dalawa na ang DOJ na muna ang maghahain ng motion for reconsideration sa Makati RTC.
Sakali aniyang ma-deny ang mosyon ng DOJ sa korte ay saka lamang kikilos ang Solgen para umapela sa C.A.
Agad namang nilinaw ni Panelo na walang ginagawang utos o hindi pinapakialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ni Trillanes.
Kahapon lamang sa press briefing, sinabi ni Panelo na hindi na maghahain ng MR ang gobyerno at sa halip ay didretso na ang Solgen sa C.A para maghain ng apela.
Nilinaw rin ni Panelo na hindi nakikialam ang pangulo sa kaso ni Trillanes.
“Walang latest directive si Presidente. Di nakikialam si Presidente diyan palaging pinapabayaan niya ‘yung mga sangay magdesisyon. Ever since ganyan ang style niya”, paliwanag ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.