Lady driver na viral ang video ng pagtakas, wanted sa MMDA

By Jan Escosio October 24, 2018 - 08:02 AM

Patung-patong na mga paglabag sa batas trapiko ang kahaharapin ng babaeng driver na tinakasan ang mga traffic enforcers na humuli sa kanya.

Viral ngayon sa social media ang ginawa ng hindi pa nakikilalang driver.

Ang video ay inapload sa Facebook ng mismong traffic enforcer na sumita sa driver.

Sinabi ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, isusumbong nila sa Land Transportation Office (LTO) ang babaeng driver.

Ayon pa kay Celine Pialago irerekomenda nila na kanselahin o suspindihin ang driver’s license ng babae.

Aniya ang mga kaso na maaring kaharapin ng driver ay illegal parking, obstruction, reckless driving, direct assault, arrogant driving at disobedience to person in authority.

Sinita ni Traffic Constable Sandy Bilan ang babae dahil sa ilegal na pagparada ng minamaneho niyang itim na Toyota Camry na may plate number na UFQ 883 noong Oktubre 19.

Sinubukan ng isa pang traffic enforcer na harangan ang kotse ngunit humarurot pa rin ang driver patungo sa North East Greenhills.

Nalaman na ang sasakyan ay naka-rehistro sa Garment District Inc., sa Sandoval, Pasig City.

Idinagdag pa ni Pialago na kapag nag-renew ng lisensiya ang driver ay kinakailangan na bayaran nito ang mga multa ng mga ginawa niyang paglabag.

TAGS: lady enforcer, mmda, Viral, lady enforcer, mmda, Viral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.