National Artist awards, igagawad ni Pangulong Duterte ngayong araw
Nakatakdang igawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Malacañang ang National Artist awards para sa pitong Filipino na nagpamalas ng katangi-tanging kontribusyon sa larangan ng Sining sa bansa.
Ang National Artists para sa taong ito ay sina:
– Francisco Mañosa para sa larangan ng architecture
– Eric de Guia aka ‘Kidlat’ para sa larangan ng film
– Ramon Muzones at Resil B. Mojares para sa literature
– Ryan Cayabyab para sa music
– Amelia Lapeña Bonifacio para sa theater
– at Lauro ‘Larry’ Alcala para sa visual arts
Ang National Artist award ay ang pinakamataas na parangal ng bansa para sa larangan ng sining na igagawad ng pangulo batay sa rekomendasyon ng Cultural Center of the Philippines at ng National Commission for Culture and the Arts.
Bukod sa pagkakaroon ng titulo na ‘National Artist’ ay mayroong mga benepisyo na makukuha ang mga indibidwal na mabibigyan nito.
Ilan sa mga ito ay ang P100,000 na cash award para sa mga awardee na buhay pa, buwanang life pension at insurance, medical at hospitalization benefits, at state funeral sa Libingan ng mga Bayani.
Samantala, sa seremonya mamaya ay ibibigay din ng pangulo ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) Award kina Ambalang Ausalin, Estelita Bantilan, at Yabing Masalon- Dulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.