Boracay ferry service, inilunsad ng Lucio Tan Group
Ilang araw bago ang muling pagbubukas ng Boracay Island matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay ipinakilala ang Boracay ferry service.
Ipinakita sa media kahapon ng Mabuhay Maritime Express Transport Inc., isang subsidiary ng Philippine Airlines (PAL) ang isang ferry service na babiyahe sa pagitan ng Kalibo at Boracay bago matapos ang taong ito.
Layon nito na mabigyan ng isa pang komportableng opsyon ang mga turista mula sa Kalibo, Aklan na diretsong makapunta sa sikat na tourist destination.
Ang bagong ferry service na ito ay sasabay sa airline operations ng PAL.
Ayon kay MME President Jaime Bautista, layon nilang mabigyan ang mga turista ng komportableng air to sea transfer tungong Boracay.
Dahil sa modern facilities na mayroon ang catamaran vessels ng MME ay nasa P2,500 ang pamasahe para sa first class, P2,000 sa premium class at P1,500 para sa regular class seats bukod pa sa buwis ng gobyerno.
Ang first class seats ay mayroong special USB port charging feature.
Inaasahang ang travel time sa pamamagitan ng Boracay ferry service ay aabot lamang ng isa’t kalahating oras na mas maikli sa nakasanayang dalawa at kalahating oras sa pamamagitan ng shuttle at bangka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.