Bong Go at Philip Salvador binisita ang mga nasunugan sa Caloocan City

By Justinne Punsalang October 24, 2018 - 04:10 AM

Sakay ng motorsiklo nang magtungo si Bong Go sa dalawang evacuation centers kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Caloocan City.

Unang nagtungo si Go sa Barangay 14 kung saan namahagi ito ng mga damit, sapatos, at pagkain.

Pagdating sa evacuation center ay napahiyaw at nagcheer ang mga residente ng “Go, Bong Go!”

Lumakas pa lalo ang kanilang hiyawan nang lumapit si Go at nagpaunlak ng selfie.

Natuwa rin ang mga tao nang malaman na kasama pala ni Go ang isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Philip Salvador.

Hinubad din ni Go ang kanyang suot na rubber shoes at ibinigay ito sa isang nasunugang residente.

Sunod na nagtungo si Go at Ipe sa covered court ng Barangay 8 kung saan muli itong namahagi ng mga damit.

Pangako ni Go na papagawan niya ng mga uniporme ang mga estudyante at manggagawa, partikular ang mga security guards. Pinyuhan niya rin ang mga gustong magkaroon ng sariling bahay na magtungo lamang sa National Housing Authority (NHA).

Tiniyak pa ni Go na ngayong araw ay hihingi siya ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.