Malasakit Centers prayoridad ni Bong Go sakaling mahalal bilang senador

By Justinne Punsalang October 24, 2018 - 04:00 AM

Bagaman malayo pa ang panahon ng eleksyon ay inihayag na ni Bong Go na ang kanyang prayoridad sakaling mahalal bilang senador sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Barangay 8 at 14 sa Caloocan City, sinabi ni Go na isusulong niya ang pagpapalawig ng mga Malasakit Centers.

Paliwanag ni Go, nakalulungkot kasing makita sa mga ospital na ang mga pasyente ay nakaratay hindi sa loob ng mga ward o kwarto, kundi sa mga pasilyo.

Aniya, paano gagaling ang mga may sakit na Pilipino kung walang maayos na pasilidad para sa kalusugan ng bawat isa.

Samantala, sinabi rin ni Go na isa rin sa kanyang prayoridad sakaling maging senador ang pagpapasa ng batas na tututok sa Bureau of Fire Protection (BFP) at safety measures upang makaiwas sa sunog, gaya na lamang sa mga magkakadikit na mga bahay at hindi maayos na koneksyon sa kuryente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.