CSB, tinuldukan na ang winning streak ng Letran

By Rhommel Balasbas October 24, 2018 - 03:48 AM

Nagpamalas ng gigil ang De La Salle-College of St. Benilde nang talunin ang Colegio de San Juan de Letran sa iskor na 94-81 sa kanilang laban kagabi sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa FilOIl Flying V Centre sa San Juan.

Ito na ang elimination round game ng CSB Blazers kung saan kanilang natuldukan ang winning streak ng semifinalist na Letran Knights.

Hindi pa sigurado ang pagpasok ng Blazers sa Final Four ngunit buhay pa rin ang kanilang pag-asa habang hindi pa nagdedesisyon ang NCAA Policy Board tungkol sa kanilang reklamo laban sa mga manlalaro ng University of Perpetual Help.

Lamang ng isang panalo ang University of Perpetual Help sa CSB.

Ayon kay CSB Coach Ty Tang, makapasok man ang kanyang koponan sa Final Four o hindi, masaya siya sa naging performance ng Blazers sa season na ito.

Sa ngayon ay may scorecard na 10-8 ang blazers na magandang season-ender ayon kay Tang matapos ang pagkapanalo lamang ng apat na beses noong nakaraang taon.

Ani Ty, ang pagkakaroon ng mas maraming panalo ngayong season ay isa nang malaking achievement.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.