Lapeña: Sindikato ng droga nasa likod ng mga maling balita sa droga
Nanindigan si Customs Commissioner Isidro Lapeña na malinis ang kanyang konsensya kaugnay sa umano’y naipuslit na P6.8 Billion na halaga ng droga sa pamamagitan ng mga magnetic lifter.
Sa kanyang ipinatawag na media briefing ay tahasang sinabi ng opisyal na mga taong nasa likod ng sindikato ng droga ang nasa likod ng mga maling akusasyon laban sa kanya at sa Bureau of Customs (BOC).
“Drug syndicates behind intensified campaign vs. me, BOC…. Where is inaction and cover up? I took action when the lifters were uncovered”, ayon kay Lapeña.
Nilinaw rin ng opisyal na maayos ang kanilang relasyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.
Si Lapeña ang dating pinuno ng PDEA bago naitalaga si Aquino sa nasabing ahensya.
Ipinawaliwanag rin ni Lapeña na tuloy ang kanilang koordinasyon sa PDEA na nagresulta na sa pagkakasabat ng ilang shipment ng droga na tangka sanang ipasok sa ating bansa.
Nilinaw rin ng opisyal na hindi siya magbibitiw sa pwesto maliban na lamang kung ipag-utos ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Lapeña, “I am a man of honor. I will do everything even offer my life to fulfill marching order of the President…. I serve under the pleasure of the President. He placed me here because he knows I can deliver”.
Nagbanta rin ang opisyal na humanda ang mag nasa likod ng planong pagpapatalsik at paninira sa kanya sa pwesto dahil kilala na niya ang mga ito.
“Drug syndicates are also experts in propaganda; let us not allow our offices to be manipulated by drug syndicates. To those people and groups who are working to oust me, I know who you are”, dagdag pa ng pinuno ng BOC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.