Mga batang kongresista susi sa pagtaas ng satisfaction ratings ng Kamara – Rep. Arroyo

By Erwin Aguilon October 23, 2018 - 12:55 PM

Naniniwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga bata at masisipag na mga kongresista ang susi sa pagtaas ng satisfaction ratings ng Kamara.

Ayon kay Arroyo, bunga ang mataas nilang ratings sa pagiging masigasing ng mga batang kongresista na nagsusulong nga mga panukala na kanilang naipasa tulad na lamang ng Department of Housing, rice tariffication at iba pa.

Dahil dito, nakikita dating pangulo na nasa mabuting kamay ng susunod na henerasyon ang gobyerno lalo’t tumalima sila sa kagustuhan niya na magtrabaho nang magdamag sa Mababang Kapulungan.

Samantala, para kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. bonus na lamang ang mataas na satisfaction rating dahil mandato naman nila ang gawin ang tama para sa sambayanan.

Isa sa mga nakikitang dahilan ni Andaya ng pagtaas ng ratings ay ang masusing debate sa Kamara nang walang halong partisan politics kapag may panukalang nakasalang at pagtatrabaho nang hindi nag-iisip kung ano ang magiging grado sa mga survey.

Sa latest survey ng Social Weather Stations tumaas ang net satisfaction rating ng Kamara sa +36 o katumbas ng good rating mula sa +25 o moderate noong Hunyo.

TAGS: House of Representatives, satisfaction ratings, House of Representatives, satisfaction ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.