Wala sa Makati RTC ang pinal na pasya sa kaso ni Trillanes – DOJ
Nagbabala si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga naging kasamahan noon ni Senador Antonio Trillanes IV sa kasong rebelyon, sedition at kudeta.
Kasunod ito ng panawagan ng ilang mambabatas na itigil na ng Department of Justice (DOJ) ang pagbuhay sa kaso laban kay Senador Trillanes kasunod ng naging pasya ni Judge Andres Soriano ng Makati City Regional Trial Court branch 148.
Ayon kay Guevarra, wala sa Makati RTC 148 ang pinal sa pasya sa nasabing usapin dahil maaaring iba rin ang naging pananaw ng ibang hukom sa kaparehong ebidensyang iprinisenta sa sala ni Judge Soriano tulad ng naging utos ng Makati Branch 150.
Una ng nanindigan si Caloocan Congressman Egay Erice ang pagbuhay sa kaso ni Trillanes ay maaring magdulot lang ng political division sa nalalapit na halalan.
Sinegundahan din ito ni Magdalo Rep. Gary Alejano at nanindigang hindi siya mapapatahimik ng administrasyon para labanan ang mga nakikita nyang kamalian at pang-aabuso ng kasalukuyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.