Pagbasura sa hirit na warrant of arrest laban kay Trillanes, ‘huwad na tagumpay’ ayon sa Malakanyang

By Chona Yu October 23, 2018 - 11:12 AM

Huwad na tagumpay.

Ito ang naging bwelta ng Malakanyang sa pagbubunyi ni Senador Antonio Trillanes IV matapos hindi magpalabas ng arrest warrant kahapon ang Makati City Regional Trial Court 148 dahil sa kasong kudeta.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakapagtataka kung bakit nagbubunyi si Trillanes gayung hindi pa tapos ang laban.

Malinaw kasi aniya na nakasaad sa desisyon ng korte na walang hurisdiksyon ang kanilang hanay sa kaso ni Trillanes.

Ibig sabihin nito aniya maaring ma-revive o mabuhay muli ang kaso ni Trillanes.

May logical consequence din aniya ito na ang ibig sabihin ay maaring ituloy ang kaso ni Trillanes sa pamamagitan ng court martial.

“Iyon ang magiging logical consequence noon. Kasi kaya huminto ang lahat ng iyan, dahil binigyan ng amnesty, na nung sinabi ng hukuman na void o walang bisa iyong grant, ibig sabihin ma-revive lahat ang kaso mo. Kaya iyong pagbubunyi niya, ako ay naa-amuse na lamang, eh pyrrhic victory lamang ang tawag doon, akala mo lang iyon,” ani Panelo.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Makati RTC Branch 148, Antonio Trillanes IV, Makati RTC Branch 148

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.