May 3rd telco player na sa bansa sa Nobyembre – DICT

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2018 - 12:43 PM

Magkakaroon na ng 3rd telco player sa bansa sa susunod na buwan.

Sa pagharap sa pagdinig sa senado, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Eliseo Rio na maaring sa Nov. 7 mayroon nang “provisional” na bagong major telecommunications player sa bansa.

Sinabi ni Rio na nasusunod ng tanggapan ang timeline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkakaroon ng ikatlong telco player.

Kung tutuusin ani Rio, mas maaga siya ng 17 araw kaysa sa itinakdang timeline.

Gayunman, dahil nagsampa ng kaso ang NOW Telecom sa Manila Regional Trial Court laban sa DICT ay nakadaragdag pa ito sa kanilang inaasikaso.

Nagtakda ang DICT ng mahigpit na rewuirements para sa mga bidder sa pagpili ng bagong telco player.

Kabilang dito ang pagbabayad ng P1 milyon para sa bid documents, P700 milyon na participation security at paglaan ng P14 bilyon na performance security.

Ito ay upang makasiguro na tanging mga may kakayahang kumpanya lamang ang makalalahok sa bidding.

TAGS: 3rd telco, dict, Radyo Inquirer, 3rd telco, dict, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.