Disqualification case laban sa kanya tinawag na nuisance petition ni Sen. Koko Pimentel
Minaliit lang ni Senator Koko Pimentel ang disqualification case na inihain laban sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio sa Comelec.
Sinabi ng senador na sasagutin naman ng kanyang mga abogado ang petisyon kung ipag-uutos ng Comelec.
Ngunit aniya baka sorpresahin pa sila ng Comelec kung agad na ibabasura ang petisyon dahil sa tawag niyang nuisance petition.
Pagdidiin ni Pimentel alam na nila ang isasagot nila dahil aniya nasa panig nila ang Konstitusyon, batas at katuwiran kaya’t kumpiyansa siya na mapapagtagumpayan nila ang isyu.
“Lawyers will answer the petition n due time f still required by comelec. However, Comelec may surprise us by dismissing the petition outright for being a nuisance petition. But in any case, we r ready and we kno the correct answer to this issue. The consti, law, jurisprudence l, and basic concept of fairness are all on our side. Hence we are very very confident that we will prevail,” ani Pimentel.
Sa inihain petisyon, sinabi ni Topacio na diskuwalipikado nang tumakbo si Pimentel sa 2019 senate race dahil naka-anim na taon na ito sa senado nang saluhin niya ang pag-upo ni Sen. Migs Zubiri sa isyu ng dayaan noong 2007 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.