Nasamsam ng mga otoridad ang halos P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu matapos magsagawa ng isang buy bust operation sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City.
Nakilala ang tulak ng ipinagbabawal na gamot na si Rassive Abo Tumanggong.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) narekober mula kay Tumanggong ang nasa 500 gramo ng shabu na mayroong street value na P900,000.
Aminado ang drug suspek na kumukuha siya ng droga mula sa kalapit na lugar.
Mahaharap si Tumanggong sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.