2019 Elections: Mga kandidato sa top elective posts sa Apayao sure win na

By Rhommel Balasbas October 22, 2018 - 03:01 AM

Halos panalo na.

Hindi gaanong mahihirapan ang Commission on Elections (COMELEC) sa lalawigan ng Apayao sa 2019 elections.

Ito ay dahil walang kalaban ang mga kandidato para sa pinakamatataas na posisyon sa lalawigan mula sa pagka-kongresista hanggang sa pagka-bise gobernador.

Si incumbent Apayao Gov. Elias Bulut Jr. ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa nag-iisang distrito ng lalawigan.

Habang si incumbent Apayao Rep. Eleanor Bulut-Begtang naman ay naghain ng COC para sa pagkagobernador at si Vice Governor Remy Albano ay nais ng re-election.

Ang tatlo ay walang kalaban sa mga nasabing posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.