Malacañan kinondena ang pagpatay sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental

By Rhommel Balasbas October 22, 2018 - 12:23 AM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang malagim na pagpaslang sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ang mga biktima ay pawang mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na inatasan na ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa nang malalimang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.

“The Palace is deeply perturbed to learn about the incident and the Philippine National Police (PNP) has already been ordered to conduct a thorough and impartial investigation on this dastardly act,” ani Panelo.

Tiniyak din ni Panelo sa mga pamilya ng mga biktima na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mapanagot ang mga responsable sa pamamaslang.

Naghahapunan sa loob ng pribadong lupain sa Hacienda Nene ang mga biktima nang paulanan ito ng mga bala ng nasa 40 armadong lalaki ayon kay Negros Occidental Police Director Sr Supt. Rodolfo Castil.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang menor de edad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.