UP wagi kontra UE sa UAAP men’s basketball
Tinapos na ng University ofthe Philippines Fighting Maroon ang kanilang tatlong magkakasunod na talo, matapos magwagi kontra University of the East Red Warriors.
Sa kanilang tapatan kagabi para sa UAAP Season 81 men’s basketball, nanalo ang Maroons sa iskor na 94-81.
Dahil dito, tie ang UP at University of Santo Tomas Growling Tigers sa ikalimang pwesto ng torneo at kapwa mayroong 4-5 win-loss record.
Nasa dulo naman ng torneo ang Warriors na mayroong 1-8 win-loss record.
Ayon sa head coach ng UP na si Bo Perasol, dahil sa kanilang pagkapanalo ay nagkaroon sila ng pag-asa na makapagpatuloy sa torneo.
Si Bright Akhuetie ang nanguna para sa Maroons matapos niyang makapagtala ng 28 puntos. Sinundan siya ni Paul Desiderio na nakapagbigay naman ng 16 na puntos.
Samantala, nakagawa naman ng kasaysayan si Juan De Liaño matapos makagawa ng triple-double na 15 points, 12 rebounds, at 12 assists.
Huling nagkaroon ng triple-double ang UP noong 2006.
Para naman sa Warriors, si Alvin Pasaol ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 30 puntos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.