Malacañang, sinagot ang mga batikos ni Sen. Marcos
Sinagot ng Malacañang ang alegasyong ibinato sa kanila ni Sen. Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa isyu ng mga hindi nagamit na pondo para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Sinabi kasi ni Marcos na may basehan ang pagkabahala ng mga biktima ng super bagyong Yolanda na ang pondong nakalaan para sa kanila na hindi man lamang nagamit, ay magamit lamang sa 2016 elections.
Buwelta ni presidential spokesperson Edwin Lacierda, 2015 na ngayon, hindi Marcos ang pangulo at hindi na ang KBL o Kilusang Bagong Lipunan ang namamayagpag na kowalisyon sa bansa.
Noong November 4, sinabi ni Marcos sa isang pahayag na gagamitin lamang ng pamahalaan ang nasabing pondo sa eleksyon.
Hindi rin aniya siya masagot ng Department of Social Welfare and Development kung saan na napunta ang bilyon-bilyong donasyon mula sa ibang bansa para sa mga Yolanda survivors.
Binatikos rin ni Marcos ang pagkakabigo ng pamahalaan na makapagbigay na ng permanenteng tahanan sa mga nabiktima ng bagyo, maging ang kakayahan ng gobyerno na rumesponde sa disaster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.