Magpapakalat ng nasa 3,300 na mga pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa undas.
Sa isang panayam, sinabi ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar na ito ay batay sa datos mula sa mga hepe ng iba’t ibang distrito sa Metro Manila.
Pagtitiyak ni Eleazar, bukod sa naturang bilang ay mayroon pa ring mga naka-standby na pulis sa iba’t ibang mga himpilan na handang tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa undas sa susunod na linggo.
Sa kabuuan aniya, 5,000 personnel, kabilang ang mga pulis, mga kawani ng barangay, at mga civil volunteer organization ang nakaantabay para sa undas.
Dagdag pa ni Eleazar, sa susunod na linggo ay sisimulan na nila ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga pamunuan ng sementeryo.
Hindi naman aniya ito nangangahulugang mapapabayaan na ng mga pulis ang pagtitiyak sa seguridad ng publiko, maging ang pagsasagawa ng anti-criminality operations.
Mahigpit din aniya nilang babantayan ang mga terminal ng bus, mga pantalan, istasyon ng tren, pati na rin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na inaaasahang dadagdsain ng mga uuwi para sa undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.