Mga biyahero, tamang-hinala na sa NAIA
Hanggang sa loob ng mga cubicle sa comfort room o CR, dinadala na rin minsan ng ilang mga pasahero ang kanilang mga bagahe habang nasa loob ng Ninoy Aquino International Airport.
Ito ang pagsisiwalat ng ilang mga empleyado ng NAIA na labis na ring naapektuhan ng tanim bala scam umano na naglipana sa paliparan.
Ayon sa isang janitress na una nang nabigyan ng parangal dahil sa ‘honesty’, may ilang pasahero na gagamit ng CR ang pilit nang isinisiksik sa loob ng mga cubicle ang kanilang mga bagahe upang hindi mawaglit sa kanilang mga mata.
Nakalukungkot aniya na humantong na sa ganitong sitwasyon ang eksena sa paliparan kung saan halos nawalan na ng tiwala ang mga biyahero sa lahat ng mga nagtatrabaho sa NAIA.
Patuloy din anila ang mga masasakit na komento na binibitiwan ng ilang mga biyahero labans a mga kawani ng paliparan.
Kahapon, tumanggap naman ng dalawang tawag sa telepono ang Manila International Airport Authority at Airport Police Department mula sa hindi nagpakilalang caller.
Sa dalawang anonymous na tawag, pawang mga pagbabanta ang binitiwan ng nasa kabilang linya dahil sa kontrobersiya ng tanim bala sa palparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.