Archbishop of Ozamis, hindi tutol sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao
Hindi tutol si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad sakaling palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao.
Sa isang pahayag, sinabi ng arsobispo na nabawasan ang krimen sa Mindanao region sa kasagsagan ng batas militar.
Nakatulong aniya ito sa panunumbalik ng kaayusan at disiplina sa mga residente ng lugar.
Dagdag pa nito, marami rin ang boluntaryong sumuko ng kanilang armas.
Aniya, “professional” at “very respectful” o magalang ang mga otoridad sa lugar.
Ngunit, pinaalalahanan pa rin nito ang publiko na maging alerto sa posibleng magawang human rights violations.
Paliwanag nito, hindi pa rin malabo ang kaso ng pang-aabuso bunsod ng umiiral na batas sa rehiyon.
Si Jumoad ay nagsimula maging archbishop ng Ozamis taong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.