NDF bukas sa pagpapatuloy ng peace talks sa pamahalaan

By Den Macaranas October 20, 2018 - 06:50 PM

Nakahanda si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na bumalik sa peace negotiations.

Ito ay kung gugustuhin ng pangulo na muling mag-usap ang pamahalaan at ang komunistang grupo.

Sinabi ni Sison na kahit anong oras ay nakahanda ang National Democratic Front para sa pagpapatuloy ng peace talk.

Reaksyon ito ng lider-komunista sa naging pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananawagan sa mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na bukod sa pabahay ay magbibigay rin siya ng hanap-buhay sa mga NPA members na susuko sa pamahalaan.

Nauna dito ay binatikos ni Sison ang ginagawang panliligaw ng pangulo sa mga NPA members na bahagi lang umano ng kanyang psychological warfare.

Magugunita na natigil ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA dahil sa patuloy na pangingikil ng mga rebelde ng revolutionary tax at paglusob sa ilang mga vital installations ng pamahalaan.

TAGS: CPP, dison, duterte, NDF, NPC, Peace Talk, CPP, dison, duterte, NDF, NPC, Peace Talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.