Winter sa South Korea mas maaga kaysa noong nakaraang taon
Maagang dumating ang winter sa South Korea.
Ito ay makaraang makaranas na ng snow doon noong Miyerkules.
Taun-taon, madalas ay Nobyembre pa nakararanas ng snow sa South Korea.
Sa post ng Korea Tourism Organization sa kanilang Facebook page ipinakita ang pag-ulan ng snow sa Seoraksan National Park.
Nakasaad sa caption na 16 na araw na mas maaga kumpara sa nakaraang taon ang pagdating ng snow ngayong 2018.
Dahil dito, inabisuhan ng KTO ang mga turista na magbaon na ng mga panangga sa lamig dahil aasahan na ang pagbaba ng temperatura sa South Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.