Pamilya ng Pinoy basketball legend na si Loreto Carbonell hinahanap ng PSC

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 05:15 PM

Gamit ang social media hinahanap ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamilya ng Pinoy basketball legend na si Loreto Carbonell.

Sa post ng PSC sa Facebook at Twitter, humingi ito ng tulong sa netizens para mahanap ang pamilya ni Carbonell upang maigawad ang Hall of Fame Award para dito.

Si Carbonell ay may malaking naiambag sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas lalo na noong 1954 FIBA World Championship kung saan nanalo ng bronze ang bansa.

Gayundin noong 1958 Asian Games sa Tokyo na nakapag-uwi naman ng gintong medalya ang Pilipinas.

Noong Setyembre 2017 nasawi si Carbonell sa edad na 84 matapos atakihin sa puso.

TAGS: 1954 FIBA World Championship, basketball sa Pilipinas, Hall of Fame Award, hinahanap ng PSC, Loreto Carbonell, Pinoy basketball legend, PSC sa Facebook at Twitter, 1954 FIBA World Championship, basketball sa Pilipinas, Hall of Fame Award, hinahanap ng PSC, Loreto Carbonell, Pinoy basketball legend, PSC sa Facebook at Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.