Malakanyang sa mga commuter: ‘Magtiis muna tayo’
Magtiis muna tayo.
Ito ang payo ng Malakanyang sa publiko kasunod ng pagtataas ng halaga ng pamasahe sa mga pampasaherong jeep at bus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang tanggapin ang katotoohanan na hindi talaga mabuti ang sitwasyon kaya dapat magtiis lang muna.
Ani Panelo, pansamantala lamang naman ang pagtataas ng pamasahe at babalik din sa normal ang lahat.
May mga pangyayari din aniya na wala sa kontrol ng gobyerno.
Ang panahon aniya ngayon na nagtataasan ang presyo ng langis ay globally at hindi lang sa Pilipinas nangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.