Resolusyon sa kaso ni Trillanes hindi pa natatapos ng hukom ng Makati court

By Jan Escosio October 19, 2018 - 11:11 AM

Hindi pa natatapos ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang resolusyon sa kaso ni Sen Antonio Trillanes IV.

Ito ang sinabi ni Police Supt. Ferdie Ortega, ng CIDG – Southern Police District.

Sandaling nakausap ni Ortega si Soriano ngunit aniya personal ang dahilan ng kanyang pagbisita sa hukom.

Sinabi nito na nabanggit lang ni Soriano na tinatapos pa niya ang resolusyon at bukod doon ay wala na silang napag-usapan pa ukol sa kaso ng senador.

Pagdidiin ni Ortega maging sila ay ilang araw na rin nag aabang dito sa Makati City Hall para sa resolusyon.

Idinagdag pa nito na handa naman silang isilbi ang warrant of arrest sa senador kung maglalabas ang hukuman ngunit ito ay depende sa ibabang utos mula sa NCRPO.

Ang Makati City Police ay una nang nagsabi ng kanilang kahandaan na isilbi ang arrest warrant kay Trillanes.

 

TAGS: antonio trillanes, Makati Court, antonio trillanes, Makati Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.